PULILAN, BULACAN – Noong nakaraang Agosto 18, 2019 idinaos ang Mutya ng Pilipinas 2019 na ginanap sa SM Mall of Asia, kasali dito ang obra ng isang Pulileño designer na si Dr. Jerome Navarro. Bilang sukli sa kanyang mga pagpapagal at pagiging malikhain sa larangan ng fashion, siya ang itinanghal bilangâ€Best Fashion Designer†sa nasabing patimpalak.
Ang kanyang likha ay isinuot ni Ms. April Short na nagmula sa Zamboanga City isang finalist sa Binibining Pilipinas at siya ngayon ang kakatawan sa Bansang Pilipinas para sa World Top Model na idadaos sa lugar ng Monaco sa darating na Disyembre.
Noon lamang nakaraang Kneeling Carabao Festival 2019, ang kanyang mga likha at disensyong damit ang ginamit ng mga kalahok sa Lakan at Lakambini ng Pulilan 2019.
Si Dr. Jerome Navarro ay isang Doctor bilang Propesyon at tunay na mahilig sa pagdidisenyo at paglikha ng mga obra na ginagamit sa fashion, sa kasalukuyan siya ang may-ari ng “Felizo, Fashion House Manila†kung saan makikita ang iba’t ibang obra at likha mula sa kasuotang damit hanggang sa mga kagamitang palamuti sa pananamit.