News and Updates News Archive

PULILAN TRADITIONAL CRAFT WORKSHOP: TINIBAN WORKSHOP

February 7, 2023
Ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Arts Month 2023 na may temang "Ani ng Sining: Bunga ng Galing".
 
Isinagawa ng Municipal History, Arts, Culture and Tourism Office ang palihan sa ukit ng puno ng saging o mas kilala sa tawag na Tiniban na mula sa Barangay Tabon.
 
Ito ay nilahukan ng mga Barangay Tourism Coordinators at mga piling indibidwal na siyang lalahok sa magiging paligasahan sa pag gawa ng Tiniban na gaganapin ngayong Pebrero.
 
Maraming salamat sa lahat ng sumoporta sa gawaing ito sa mga Kapitan sa pamamagitan ng mga Barangay Tourism Coordinators, sa Cloudnet Pulilan at higit sa lahat sa ina ng bayan Igg. Maria Rosario Ochoa-Montejo sa pagsulong ng mga gawaing makasining at pagmamahal sa kulturang Pulilenyo.