News and Updates News Archive

Kneeling Carabao Festival 2019

May 29, 2019

PULILAN, BULACAN – Isang mapagpala at masaganang kapistahan ang nagdaaan sa Bayan ng Pulilan lalo’t higit na sa ating mga kabukiran at sa mga magsasaka na silang nagtatrabaho at umaani dito, ito ay dahil sa pagpapala na natamasa at natanggap ng bawat isang mamamayan sa Bayan.

Bilang pagdiriwang ng kapistahan, ang Pamahalaang Bayan ng Pulilan sa pangunguna ni Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, kasama ang Simabahan “San Isidro Labrador Parish”, mga guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Pulilan, ang Sangguniang Kabataan at ilang mga pang negosyong establisyimento sa Pulilan. Sila ay naghanda ng ilang mga programa at aktibidad mula Ika 05 ng Mayo hanggang Ika 15 ng Mayo.

Ang mga programang ito ay ang mga sumusunod:

Ika-05 ng Mayo - Fireworks Competition na ginanap sa SM Center Pulilan, Sa pagtutulungan ng SM Center Pulilan at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan, Ang Fireworks Competition ay naisagawa ng maayos at matagumpay, ang mga lumahok sa kompetisyon ay nagmula pa sa iba’t ibang Probinsya.

Ika-06 ng Mayo - Nagkaroon ng Artist hatid ng San Isidro Labrador Parish na kung saan kinuha ang actor na si Young JV upang magbigay ng kaaliwan sa pamamagitan ng kanyang pagkanta at pagsaway.

Ika-07 ng Mayo - Isinagawa ang Palaro ng lahi, ang bawat Barangay ay nagpadala ng kanilang representasyon, Iba’t ibang laro ang nilahukan ng mga barangay (Tumbang preso, Hulihan ng biik, Patintero, Palosebo at Jack en Poy) isang matagumpay ang gawaing ito at pagdating ng gabi ginanap ang Chorale Competition na kung saan ito ay nagbigay ng masarap at magandang awitin para sa pandinig ng bawat isang nagsinuod ng gabing iyon. Kasama sa layunin ng kompetisyon na mabigyan ng bagong kulay at rendisyon ang awiting “Ako ay Pulileño”.

Ika-08 ng Mayo - Ginawa ang isang Heritage Tour para sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan upang magkaroon ng pagbabalik tanaw sa kasaysayan ng Bayan ng Pulilan. At pagsapit ng gabi isang makulay at mga natatanging talent ng Pulileño ang nasaksihan at napakingan ng bawat isang nagsipanuod sa “Pulilan got Talent”.

Ika-09 ng Mayo - Isang makulay na umaga ang nasaksihan dahil ginanap ang Kalutong Pulileño, masasarap at mababangong lutuin ang nakita ng bawat isa. Pagdating ng gabi isang nakakabilib at nakakamanghang mga talento ang napanuod sa Cheerdance Competion.

Ika-10 ng Mayo - Bilang pasasalamat sa masaganang ani naghandog ng magandang musika ang banda San Jose at Banda Las Piñas, ang bawat banda ay nagbigay ng maganda at masarap na tugtugin.

Ika-11 ng Mayo - Masayang umaga ang sumalubong sa bawat isa nang ganapin ang Color Fun Run, ang bawat kalahok ay tumakbo ng pitong kilometro (7km), bago magsimula ang takbuhan ang bawat kalahok ay nagkaroon ng maiksing Zumba upang gisingin ang kanilang mga katawan at ihanda sa pagtakbo, pagsapit ng gabi nasaksihan ng bawat Pulileño ang Lakan at Lakambini ng Pulian 2019, ipinamalas ng bawat kalahok ang magaganda at magagarang damit ng Bayan ng Pulilan, ipinakita din nila ang ating mga makasaysayang mga damit.

Ika-12 ng Mayo - Dahil ang taong ito ay ‘Year of the Youth’, nagsagawa ng Gabi ng Kabataan, ipanakita dito ang bawat talent at kakayahan ng mga kabataan sa larangan ng pagsayaw, pagkanta at iba pa.

Ika-13 ng Mayo - Ang pagkakataon at karapatan ng bawat isa ay isinagawa sa araw na ito ang Election Day, Mayroong hindi pinalad mayroon namang umuwing maligaya ngunit ang mahalaga sa lahat ay nabigyan ang lahat ng karapatan sa pamamagitan ng pagboto. Marahil para sa iba ang Election ay labanan lamang ng pulitiko ngunit sa malalim na pagtanaw ang Election ay para sa ating Bayan. Kahit sino man ang Manalo ang mahalaga ang kanilang pamumuno at pagpapahalaga sa lugar na kanilang paglilingkuran.

Ika-14 ng Mayo - Ito ang araw ng kapistahan ng Bayan ng Pulilan na kung saan makakapanuog ang bawat isa ng Parada ng mga Kariton na nilahukan ng mga barangay at ilang pang negosyong establisyimento, kasabay nito ang parade ng mga bagong halal na kawani ng Gobyerno at ang pangunahin sa Pagparada ay ang mga Kalabaw, Na kung saan ang bawat kalabaw ay lumuluhod upang magbigay ng pasasalamat sa masaganang ani na kanilang tinanggap. Pagsapit ng gabi ang isa sa pangunahing sponsor ng kapistahan ay nagbigay ng programa at dinala nila sa ating Bayan ang ‘December Avenue’ na nagbigay ng magandang tugtugin.

Ika-15 ng Mayo – ang Huling araw ng pagdiriwang, ngunit hindi huli ang lahat upang ipakita at ipamalas ng bawat barangay ang kanilang makulay at magandang pananayaw sa Street Dance Competiton, at kinagabihan isa sa sponsor sa kapistahan ay naghandog sa bawat Pulileño ng isang variety show na kung saan nakapanuod ang bawat isa ng iba’t ibang talent mula sa Pulileño.

 

Marahil ang iba ay natuwa at nagandahan sa mga programa at aktibidad noong Kapistahan, o marahil ang iba ay nagkaroon ng pagpuna at hindi magandang nasabi. Ngunit sa kabila ng lahat ang dapat mapansin ng bawat isa ay ang pagpapala at ang kasaganaang natamasa at natanggap natin sa pagpapala at kung bakit natin pinagdiriwang ang Kapistahan ni San Isidro Labrador.

Kalimutan ang pagpuna at pagpansin sa hindi maganda bangkus ating pansinin at alalahanin ang pagpapala na natanggap ng bawat isa.

Â