News and Updates News Archive

HALALAN 2019

May 30, 2019

PULILAN, BULACAN - Nakalipas na naman ang HALALAN 2019 simula Senador hanggang Konsehal ng Bayan, ito ay ginanap noong Ika-13 ng Mayo 2019. 

Maraming kontrobersiyal na naganap mula sa malalaking Bayan hanggang sa maliit na Bayan, mga magkapatid at magkamag-anak naglaban, mga magkapartido ay naglaban, mga dating magkaibigan ay naglaban. Pero ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang pagtakbo? 'isa ito sa tanong ng marami', ngunit ano pa man ang layunin ng bawat kandidato, isa lang panigurado ang naisin ng kanilang mga puso at isipan na mapaglingkuran ang ating Bayan sa abot ng kanilang makakakaya.

Dito sa ating Bayan ng Pulilan, mayroong nakakabigla at hindi inaasahan ng bawat isang nangyari. Nagkaroon ng pagbabago sa mga Kawani ng Bayan, mayroong bagong nahalal mayroon naman datihang natanggal. Ang tanong ng marami karapatdapat ba ang mga bagong halal? May kakayahan bang silang sumabay sa takbo at pangangailangan ng mamamayan?

Sa kabila ng katanungan ng bawat isa, ang pinakamahalaga sa lahat ay magtulungan, tayo bilang mamamayan ng Bayan ng Pulilan tulungan natin silang mga nahalal sa mga bagay na kanilang gagawin at ginagawa, iwasan na ang pagpansin sa mga bagay na hindi maganda, iwasan na ang pagpuna, iwasan na ang pagtingin sa kanilang kakayahan, bagkus ang kanilang kahinaan ay tayo ang magpuno at ang ating kahinaan sila ang pupuno. Gayundin naman sa mga nahalal mas nararapat ang pagtutulungan.

At tulad ng panunumpa na binibigkas ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan, “Katungkulan ko ang maglingkod / nang buong katapatan at kahusayan / at makatulong sa katatagan at kaunlaran ng aking Bayan”, dahil “Ang lahat ng ito ay para sa ating dakilang lumikha sa at sa ating Bayan”.